Likas sa ating mga Pilipino ang ating pagkahilig sa pagkain. Kaya nga nakakagawa tayo ng mga pagkain na tanging sa Pilipinas lang matatagpuan. Dahil na din sa iba’t-ibang mga bansa na sumakop sa atin nag-iwan sila ng iba’t-ibang impluwensya sa ating kultura tulad ng pagkain na kanilang ipinakilala sa atin. Isa na sa mga dinala na pagkain ng mga espanyol ay ang kaldereta na sa paglipas ng panahon ay nakagawa tayong mga Pilipino ng ating sariling bersyon.
Ang kaldereta ay kilalang kilala sa Pilipinas lalo na sa parteng Luzon. Madalas itong ihanda sa mga okasyon tulad ng kaarawan,kasalan at kahit sa mga pyesta. Ang mga pangunahing sangkap nito ay karne ng kambing, baka o kaya ng baboy, tomato paste o tomato sauce at liver spread pero sa metro manila nagdadagdag pa sila ng patatas dito. Talagang napakasimple lang ng mga sangkap nito pero nagi itong isa sa mga paborito nating mga Pilipino. Ang kaldereta ay isang lutong bahay kung saan ang ating nanay o kaya ang ating tatay ang nagluluto nito pero marami na ring mga restawrant ang inilalagay ang kaldereta sa kanilang menu. Mas patok parin itong itinda sa mga carinderia o turo-turo dahil marami sa atin lalo na sa syudad ang umay na sa mga pagkain ng mga fastfood kaya naghahanap sila ng mga lutong-bahay tulad ng kaldereta. Kung titingnan natin ang itsura ng kaldereta malamang ang iba ay matakot dahil sa kulay nitong pula na medyo orange dahil baka maisip nila na mukha itong dugo, pero siguradong pagkanila na itong natikman mag-iiba ang kanilang persepsyon dahil sa kakaibang lasa nito. Karamihan pa nga sa atin ay gusto ang kaldereta na lagyan pa ng halang. Siguradong mamahalin ng mga mahihilig sa karne ang kaldereta dahil karne ang pangunahing sangkap nito. Hindi tulad ng ibang pagkain ang kaldereta ay hindi masama sa ating kalusugan maliban na lang kung masama sa atin ang pangunahing sangkap nito tulad ng tomato sauce. Ang kaldereta rin ang hinahanap-hanap ng mga pinoy tuwing sila’y uuwi rito. Ito rin ang hinahanap-hanap ko tuwing uuwi ako sa quezon dahil isa ako sa mga nahalina sa lasa at sarap nito. Hindi mawawala ang kaldereta tuwing nagdaraos kami ng mga handaan. Kaya nga hinahanap-hanap ko ang luto ng aking tatay pag nabalik na ako dito sa maynila.
Likas akong mahilig kumain lalo na pag nakuha ng pagkain ang aking panlasa pero Iba ang kawilihan na nadudulot sa akin pag ako ay nakakakain ng kaldereta. Isa ito sa mga pagkaing nagsisilbing taga wala ng aking pagka-stress. Siguro para sa iba isa lamang itong ordinaryong pagkaing pinoy pero para sa akin at sa iba pang taong mahal at paborito ang pagkain na ito may natatago pa itong sarap na nais ko rin ninyong madiskubre.
Itong pagkain na ito ay panapanahunan lang. Masarap at malambot. Ito ay matuturingang "only in the Philippines" at kung tatanungin mo ang nakararami, tiyak, alam nila ito. Ang kakanin ay tradisyunal na meryenda ng mga Pinoy. Ang bibingka ay sumisimbolo na malapit na ang araw ng Pasko. Aba'y, sa amoy palang ay mahahalina ka na!
Ang bibingka na hinahanap-hanap ko ay matatagpuan lang dito sa amin, sa tindahan ng tita ko. Tradisyunal pa ang pagluto dito at ito'y nangingibabaw sa iba dahil sa taglay nito na kakaibang lasa. Ang sangkap nito ay nagmula pa sa lola ng lola ko at ngayo'y ipinagpapatuloy ng mommy at tita ko. Maliban sa madali lang gawin at madali itong maluto, mura na, masarap pa, kung kaya't maraming bumibili nito. Kung sa amoy pa lang ay mahahalina ka na, ang amoy ng para bang tinapay na matamis na may halong vanilla, papano pa kaya kung ito ay matitkman mo? Ang lasa nito ay matamis, at kung ang ispesyal naman ay matamis na mayroong halong alat. Tiyak, pag ito'y natikman mo, mapapa-"mmmm" ka sa sarap! Kung kaya't ito'y binabalik-balikan ng marami!
Sa sobrang pagmamahal ko sa pagkain na ito, di lang dahil ito'y masarap kundi dahil din sa sentimental na halaga nito, ako ay tumutulong sa mommy at tita ko sa pagbenta nito. Umaga, tanghali at gabi, tiyak hindi ka magsasawa! Walang kapantay ang lasa ng bibingka na ito dahil ang bibingka na ito ay number one! Tuwing ako ay kakain nito, di lang ako natutuwa dahil sa sarap pero, dahil dito, nagbabalik alaala ako nung narito pa ang mahal kong lola.
Ang mga Pinoy ay mahilig kumain. Marahil ito ay epekto ng iba't-ibang kultura sa ating bansa. Magkakaiba ang panglasa nating mga Pinoy. May ilang mahilig sa maaalat, mayroon namang sa maasim, at may iba pa na hindi magpapahuli sa pagkaing maaanghang. Ngunit sa kabuuan, isa lang ang pinagkakasunduan ng karamihan sa atin, tayo ay mahilig sa matatamis.
Isa na ako sa maraming taong nasasabik sa tuwing nakakakita ako ng pagkain, lalu na ang matatamis. Pero pinaka paborito ko sa lahat ay ang Crepe. Ito ay isang dessert na nagmula pa sa Brittany, France. Ang Crepe ay isang uri ng napaka nipis na pancake na may kadalasang may matamis na filling o di kaya ay prutas. Ito ay gawa sa harina, itlog, mantikilya at gatas. Ipiniprito ito ng napaka nipis sa hugis bilog, at saka ihahain nang may palaman sa loob. Maaari ring ipalaman sa Crepe iba pang uri ng palaman gaya ng ham, bacon, keso at iba pa. Ito ay napakasustansya, lalu na kung sarwang prutas ang ihahain mo kasabay nito. Ngunit dapat ay ating limitahan ang pagkain ng matatamis sapagkat ito ay maaaring magdulot ng ilang karamdaman.
Paborito ko ang Crepe sapagkat ito ay madali lamang gawin. Higit pa dun ay maaari kong piliin kung anu-ano ang sangkap na ilalagay ko rito. Ito ay mura, masarap at masustansya pa. Kaya ikaw, oo ikaw nga, tikman mo na ang Crepe. Siguradong hahanap-hanapin mo siya sa sarap. Simula nung matikman ko ang kakaibang tamis na dulot nito, ako ay walang dudang nahulog para dito. Ang sweet niya kasi eh. :">
Madaming klase ng pagkain ang ating makikita sa tabi tabi. lahat ito ay masarap ngunit ito ay depende sa panlasa ng isang tao. tayo ay may iba't ibang lahi at iba't iba din ang mga panlasa natin. Para sa akinn walang tatalo sa sarap ng Shrimp Tempura. Ang malinamnam nitong lasa ay nakakapagpalaway sa akin. Sa tuwing ako ay madadaan sa isang Japanese restaurant ay hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pagkain nito. Ito ay walang katulad. Ang malinamnam at masarap nitong hipon na ibinalot mo pa sa japanese bread crumbs na nakapagpalutong pa dito ay wala ng tatalo pa. Sa Tokyo Tokyo at Teriyaki Boy ito matitikman at ang lasa nito ay panalong panalo at wala ng tatalo pa.
Sinasabi ng mga eksperto na ang tofu ay masustansya at mabuti sa kalusugan ng isang tao. Ako ay sumasang-ayon dito. Ang tofu ay gawa sa
coagulating soy milk at saka ito pinagsama-sama upang magdikit dikit at saka hahatiin ng parisukat o parihaba. Nagtataglay ito ng maraming
iron, kaunting
calories at
fat. Ang isa pang katawagan para dito ay
beancurd. Ang salitang ito ay ginamit simula 1840.
Napakasarap ng tofu lalo na kung ito ay gawa ng Intsik. Sa Tsina kasi unang naimbento ito noong Han Dynasty pa. Kaya org na orig. Madalas akong nakakakain nito sa Teryaki Boy, Saisaki, Chowking at sa iba't-ibang Asian food establishments. Ang pinaka-paborito ko na luto o klase ng tofu ay ang
Agedashi Tofu. Mula sa pangalan nito na agedashi, makukuha mo ang salitang "aged" na nagangahulugang ito ay naka-preserve ng mahabang panahon bago ito ihain sa hapag-kainan. Ito ay parisukat na tofu na may potato starch at saka ipinirito hanggan ito ay maging golden brown. Pagkatapos nito ay lalagyan na ito ng mainit na Tentsuyu. Ang tentsuyu ay isang espesyal na sauce na gawa sa toyo ng Hapon at spring onion. Kapag ako ay mag-oorder, automatic na yun sa mga magulang ko na gusto ko ng ganun. Minsan talaga ay pinagdadamot ko na ito sa aking mga kapatid sa sobrang gusto ko na malasap ang bawat kagat. Hindi ko matigilan ang pagkain nito lalo na kung pwedeng-pwede at walang pumupigil saking umorder. Hindi naman ito nakakataba kung kaya't okay lang. Sa Ingles nga, guilt-free ito na comfort food. Ngunit, aking ipinagtataka ay kung bakit ganito parin ang aking katawan. Hindi mapayat, hindi mataba. Chubby lang. Pa-humble pa! Naniniwala ako na hindi yun nadadaan sa kung ano ang korte mo, nasa loob mo at nararamdaman mo naman kung ikaw ay malusog o hindi. Para sa akin, nakatutulong ang tofu sa paglilinis ng toxins at pampalusog ng katawan.
Ang tofu ay ginagamit din sa ating paboritong taho. Wala naman sigurong Pilipino ang hindi pa nakakatikim nito. Kawawa naman siya kung ganoon. para sa mga hindi nakakaalam, ang taho ay gawa sa fresh tofu na hinaluan ng sago at tinunaw na asukal o syrup sa Ingles. Kung mayroon lang sa UST na murang bilihan ng Agedashi Tofu, hinding-hindi ko ito titigilan. Kahit ako lang ang customer ay okay lang. Aaraw-arawin ko ang pagbili hangga't sa magsawa ako at magmukha na rin akong tofu. Sana marami din akong maimpluwensya sa pagkain ng tofu kahit wala naman talaga itong lasa kung di mo sasamahan ng sauce. Isaisip sana nila na maganda ang nutritional content na nilalaman ng tofu. :)
How to play Blackjack online in Real Money
TumugonBurahinBlackjack also 도박장 has 토토 꽁 머니 사이트 a 플레이 포커 decent reputation among the card game enthusiasts, especially for its high volatility and 카지 high volatility. As a regular table player, Rating: 4 22 bet · Review by CasinoSites.OneOfTheHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighestHighest