Sorbetes na hindi nagpapataba. Yan ang kailangan lalo na sa industriya natin na hinahangad maging flight attendant. Ngayon pwede na natin ma-enjoy ang sorbetes ng hindi iniisip ang dulot nito sa ating katawan! Dahil meron ng FroYo dito sa Pilipinas :) Ang frozen yogurt, o mas kilala bilang froyo, ay isang sorbetes na may yogurt kaya ang lasa nito ay maasim. Ito ay hindi nagpapataba o tinatawag na "guilt-free" kumpara sa regular na sorbetes na nabibili natin sa kung saan-saan.
Una akong nakatikim ng froyo sa V Mall sa Greenhills. Bago pa lang yun ay naririnig rinig ko na ito sa iba kong kaibigan. Ito raw ay sobrang masarap. Hindi naman talaga ako mahilig sa yogurt. Ang totoo nyan, ayaw ko ng lasa nito. Ito ay maasim at walang kasarap-sarap. Kaya hindi ko pinansin ang mga papuring binigay ng aking mga kaibigan sa froyo. Isang araw nadaan kami sa V Mall at meron doong tindahan ng froyo. Ikaw ang mamimili ng toppings mo. Napakahaba ng pila. Na-intriga kami ng aking tita kaya bumili kami. Ito ay maasim pero mayroong kakaibang lasa na napakasarap! Simula noon ay palagi na akong bumibili nito kapag may nadadaanan na tindahan.
Kung ako nga, na ayaw na ayaw sa yogurt, e nabaliw sa froyo, kayo pa kaya? Masarap kaya, try mo! :)) Kanina lamang ay galing na naman kami sa Greenhills at syempre hindi namin pinalampas ang pagkakataon upang bumili ng froyo. Ang payo ko lang sa mga bibili, lagyan nyo ng crushed graham :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento