Ang tao sa mundo ay may iba ibang klase ng panlasa. May mga gusto ng maanghang, may gusto ng maasim, may iba naman ay matamis at ang iba naman ay gusto na maalat. Iba iba rin ang klase na gusto ng tao tulad ng mga Amerikano, Chinese, Hapon, Koreano at Filipino. Sa iba't ibang dako ng mundo, bawat tao ay may hinahanap na kakaibang lasa na makapupuno sa kanilang mga kumakalam na sikmura o kaya naman sa mga gusto lamang tumikim ng bagong pagkain.
Sa tanang aking buhay, ang pinakamasarap na pagkain na natikman ko na siguro ay ang lasagna. Naaalala ko pa ang unang beses na ako ay nakakain nito sa Greenwich. Sa sobrang sarap ay pakiramdam ko, sa bawat subo ay may fireworks na nagliliparan sa langit at may mga naririnig pa ako na mga anghel na humuhuni ng iba't ibang tunog. Sa katunayan ay sinubukan ko na din gumawa ng lasagna sa sobrang kagustuhan ko dito. Ito ay kilala na sa buong mundo at nakikita o nabibili natin sa mga restaurants at ilang piling lugar tulad ng Greenwich, Pizza Hut, French Baker, Dulcinea, Sbarro, Goldilocks at marami pang iba. May mahal at mayroon din na mura. Marami na rin ang nagtangkang baguhin ang timpla o lasa nito. Iba’t ibang lasagna na ang aking natikman, mayroong masarap, mayroong di naman gaano at mayroon din naman na sakto lang ngunit, ano nga ba ang lasagna?
Ang Lasagna ay isang uri ng Italian dish na binubuo ng pinagpatongpatong na pasta, meat sauce, cream sauce at cheese. Lulutuin mo sa iba’t ibang lutuan ang bawat layer. Ang meat sauce ay pinaghalong bawang, ground beef, paminta, oregano, bacon, tomato sauce at tomato paste sa isang lutuan. Ang cream sauce naman na gawa sa evaporated milk, butter, oregano at beef broth cubes sa isa pang lutuan. Pagkatapos pakuluan ang pasta na pang lasagna at gayatin ang keso ay pwede na ilagay sa isang glass pan. Unahin ilagay ang pasta, sunod ang meat sauce, cream sauce at cheese at ihelera ng paulit hanggang sa makamit ang inaasam na taas ng lasagna. Lutuin sa oven ng ilang minuto at puwede na kainin. Masasabi natin na sa unang tingin pa lamang ay matatakam ka na. Bawat subo ay umaapaw ng kasarapan at hindi lamang sarap kundi sustansya din dahil ito ay may gatas na nagbibigay ng Calcium para sa buto at ngipin, tomatoes na nagbibigay ng lycopene para sa puso, protein mula sa karne at carbohydrates mula sa pasta nito. Ang isang putol ng lasagna ay may mataas na fat content ngunit kung pang okasyon, hindi pangaraw-araw na pagkain at sa tamang mederasyon, mairerekomenda ito sa mga naghahanap ng masarap na kakainin.
Maraming masasarap na pagkain hindi lamang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo na din. Mayroong iba’t ibang paraan ng pagluto, iba’t ibang mga nilalaman at iba’t ibang mga itsura. Ano man ang mangyari, ang pagkain, kahi sino pa man ang kumain, sigurado ay may paborito. Ano man ang sabihin ng iba, para sa akin, wala pa ring tatalo sa lasagna. :
Napakainit sa Pilipinas kaya hindi na bago sa atin na makakita ng mga tindahan ng mga pampalamig sa bawat kanto saan mang sulok ng ating bansa. Para sa akin, wala nang mas sasarap pa sa pagkain ng ‘Ice cream’ o sorbetes sa kainitan ng panahon ngayon na dulot ng ‘climate change.’
Halos lahat ng mga Pilipino – matanda o bata, mahirap o mayaman, ay mayroong tinatawag na “sweet tooth.” Masasabi kong kabilang ako sa kanila. Ako ay mahilig sa matatamis lalo na sa ‘Ice cream.’ Masarap na, mura pa! Akalain niyong may mabibili ka nang sorbetes sa halagang P5 lamang.
Walang pinipiling edad sa pagkain ng Ice cream. Ito ay nagbibigay ng kasiyahan sa mga kumakain nito. Kahit ang mga may diabetes ay pwede na ring kumain ngayon dahil mayroon nang Ice cream na ‘sugar-free.’ Hindi ito nawawala sa mga handaan tulad ng kaarawan, binyag, anibersaryo, pasko, bagong taon at iba pa. Masasabi kong ito ay isa sa mga inaabangan ng mga bisita bilang panghimagas.
Halos linggo linggo ay kumakain ako ng Ice cream: sa bahay at kahit sa aking paaralan. Madalas kaming bumibili nito sa Ministop sa Dapitan matapos mananghalian. Tamang tama ito para mapawi kahit papaano ang nararamdamang init sa Maynila. Kulang pa ang mga salita upang ipahayag ang tuwang nararamdaman ko tuwing ako ay nakakakain ng Ice cream. Nababago nito ang aking mood; halimbawa, kung ako ay nalulungkot, ang pagkain ng Ice cream ay makapagdudulot ng ngiti sa aking mga labi. Ang pinakapaborito ko ay ang Ice cream na mabibili sa Dairy Queen (DQ).
Kaya't kung ikaw ay naiinitan, tumakbo na agad sa pinakamalapit na tindahan at sabihing "I-SCREAM FOR ICE CREAM!"
Bakit ba ang sarap sarap ng kare kare? Bakit kakaiba ito kainin? Anong bang meron ito na wala sa iba?
Ito ang masasabi kong pinakamasarap na pagkain para sa aakin. Bagamat walang lasa kung kare kare lang mismo, pag sinamahan mo naman ng Bagoong ay tiyak ikaw mapapapikit sa sarap. Kakaiba ito sa lahat; kung paano inihanda, paano niluto at kung paano kakainin. Talaga namang maraming tao ang hindi tumatanggi pag inalok ng kare kare. Ito ang paborito kong ulam at may kakaibang nararamdaman ako tuwing kinakain ko ito.
Ano nga ba ang mga sahog nito, siyempre and pinaka impotante ay ang mani(peanut) ito ang nagbibigay ng kakaibang lasa sa kare kare. Ang iba pang sangkap nito ay ang karne at twalya, puso ng saging, sitaw, pechay at talong. Yan ang mga pangunahing sahog ng kare kare na hahanapin mo.
Saan nga ito matitikman? Napakaraming kainan ang naglalagay ng kare kare sa kanilang menu, dahil talgang mabenta at marami din umoorder nito. Isa sa pinakamasarap na naghahanda ng kare kare ay ang Max restaurant na matatagpuan sa mga mall at iba pang mga bigating lugar.Talagang sulit, masarap, malambot and karne at hindi nakakasawa. Kahit ang mga "eat all you can" na mga kainan tulad ng Cabalen at Kamayan ay nag hahanda din ng kare kare. Sa katunayan pag kumakain kami sa mga restaurants, ang pinakamarami ko laging kinukuha ay ang Kare Kare at bahagya akong sumandok ng kanin.
Hindi ka manghihinayang kung Kare kare ang putahe mo dahil ito ay nagbibigay saya sa bawat taong kumakain nito, kaya ano pa ang hinihintay mo. Tara na't kumain tayo ng kare kare to the Max!
Ano nga ba ang Chicken Teriyaki? Masarap ba ito? Makakapunta ka bang langit kapag ito ay natikman mo? Sulit nga ba ang binayad mo? Tataba ka ba dito? Ano ang benepisyo nito sa katawan mo? Tunay nga ba itong nakaka-akit kung ito ay titignan pa lamang? Yaan ang mga tanong na noon ay hindi ko masagot. Noong ako ay nasa huling taon ng pag-aaral ng hayskul ay natagpuan ko ang isang kainan sa Eastwood na nag ngagalan na Jacksloft. Narinig ko ang mga haka-haka ukol sa Pinagmamalaki nitong Chicken Teriyaki na naglalaman ng hiwa-hiwang karne ng manok na binalutan ng “breading”, espesyal na sauce, “veggies” na nakalagay sa ibabaw ng kanin.
Ang Chicken Teriyaki ay isang pagkain na galing sa bansang hapon. Masasabi kong nahagkan ko ang langit noong ito’y matikman ko na tumatayo pa ang aking balahibo sa sobrang sarap na hindi ko maintindihan at wala na kong masabe dahil ito ay napaka-perpekto para sa aking pang-lasa. Napag-alaman ko din na ito ay hindi makaka-apekto sa paglaki ng ating mga katawan o pagtaba sapagkat ito ay umaayon sa “2000 calories diet”. Malinamnam na, masustansya pa, sapagkat ayon sa aking research ang white meat na nanggagaling sa mga manok ay nakakatulong upang hindi tayo magkaron ng colon cancer dahil ito ay mabilis na naipoproseso sa ating katawan di katulad ng mga karne galing sa baka o mga baboy. Ang mga “veggies” din ay nakakatulong upang tayo ay magkaron ng “balanced diet”.
Sa kabuuan, Ang pagkain ko ng Chicken Teriyaki ay mahahalintulad ko sa isang panaginip na ayaw ko ng magising dahil sa sarap na natitikman ko habang kinakain ito. Makakain mo ang Paborito kong Chicken Teriyaki sa mga Kainan ni Jack o Jack loft sa Trinoma, Eastwood at Il Terrazo sa Morato. Damahin ang langit at humalakhak, Tara na at kumain ng Nakakapag-pangiti na Chicken Teriyaki!
|
Hmm. Nakakagutom diba? |
|
Nakaka-WOW talaga :) |
Hindi maikakaila na sa ating mga Pilipino ang hilig sa pagkain, kung ano man ang makita diyan diyan, saan ito mabibili o kahit anong oras, walang pinipili, ngunit isa lang ang ating na kasanayan tuwing gabihan, ito ay ang kanin at ulam, na puwedeng tuyo o masabaw, ngunit sa karamihan sa atin, ang may sabaw ang gusto; kakapit na sa kulturang Pinoy. Kilala rin tayong mga Pilipino na mahihilig sa pagkaing malalasa, matatamis o maaasim, nakabubusog at abot kaya ng bulsa. Ano nga ba ang S.N.B? Ano sa inyong palagay?
Ito lang naman ang isa sa pinakasikat na putahe na nagmula sa ating bansa; ang Sinigang Na Baboy; pinaasiman na timpla ng baboy, ngunit isa pa rin itong misteryo para sa akin, kung kailan, paano, at sino nga ba ang mga nakabuo ng napakasarap na lutuing ito. Basta sa aking kaalaman at sa aking natatanging tiyan, isa ito sa pinakamasarap na putahe na iswak sa aking panlasa at maipagmamalaking maihahain ng isang Pilipino sa kusina.
Sitaw, kangkong, sampaloc, baboy; ilan lamang iyan sa mga sangkap kapag gusto mong magluto ng sinigang. Masasabi kong hindi biro ang magluto nito dahil nasubukan ko nang magluto nito noon, at talagang dapat ay tantsado mo ang lasa, asim at linamnam na tama lang sa iyong gustong maasam, dahil kapag nasobrahan ka sa asim o linamnam nito ay ikaw na naman ay magdadagdag nang kung ano pa man upang magbalanse ulit ang lasa. Ang karaniwang ginagamit na pangpaasim dito ay sampaloc, na ayon sa aking mga nabasa, ito pala ay nakakatulong sa mga sakit sa tiyan. Ang maganda rin sa putaheng ito, ito ay naglalaman ng iba’t ibang gulay, katulad nung mga binanggit ko sa itaas, at puwede pa itong dagdagan ng iba pang gulay ayon sa inyong kagustuhan; na nagbibigay ng mga kaukulang sustansiya sa mga kumakain nito. At kung wala ka namang baboy diyan sa bahay mo, ay puwede rin naman ang hipon o manok ang ilagay, ngunit iba pa rin talaga kung baboy, dahil sa aking palagay, mas nakakapagbigay ito ng lasa, na siksik sa mga laman nito.
Sa aking opinyon, tila nga isa na ito sa madaming madaming lutuin dito sa Pinas, ang tiyak na hahanap-hanapin ng mga 1st time pa lang na makatikim nito; katulad ng mga dayuhan, dahil iba talaga ito kung ikukumpara sa pagkain sa kanilang bansa at sa ibang mga pagkain na matatagpuan lamang dito. Ito ay kakaiba o iba ang dating, lasa pa lang; talagang ikaw ay mapapasigaw na sa sarap o mapapatayo sa tuwa, dahil sa halo ng asim ng sampaloc, na sasamahan pa ng tamang lambot ng baboy, tunay na ngang kay sarap. Matuturingan ko na rin itong isa sa pinaka-paborito kong pagkaing Pinoy, dahil parang ito na rin ang nagpapaalala sa akin na tayong mga Pinoy ay hindi lang puro matatamis o puro maaanghang ang gustong kainin ngunit gusto rin naman natin makatikim ng onting asim o sarap sa ating buhay kusina. Siguradong kung tamang-tama ang timpla, at sakto ang pagkaluto sa mga gulay at sangkap nito, tiyak! amoy pa lang, ulam na. Kaya, sinigang na baboy, ngayon at kailanman, siguradong, hindi kita malilimutan.
Unang una sa lahat, maraming Pinoy ang mahilig kumain ng pica-pica o ready to eat food na katulad ng siomai at waffle na madadaanan natin bago umakayat ng LRT station sa Legarda. Sa mga stall na nagtitinda ng pagkain, ang unang makikita mong katakam-takam ay ang shawarma kung saan makikita mo ang karne na nakatusok patayo sa my ihawan nito. Sa pag-titig mo pa lamang ay paniguradong masarap ang karne dahil ito ay makatas. Sa mga natikman ko ng mga shawarma, ang pinakamasarap ay sa Turk’s Shawarma sa my SM foodcourt, kahit bago lamang ang Turk's Shawarma, mahahalata mo na ang karne ay makatas at mabango na siguradong mapapabili ka ng shawarma.
Sa mga araw na gusto mo ay mag-food trip lang o kaya kumain lang habang my binibili si mommy sa grocery, ang Turk’s Shawarma ang agad kong pinupuntahan para makakain ng masarap at katakam-takam na shawarma. Sa pag-hihintay ng iyong order sa shawarma pananabik at pagkatakam ang iyong mararamdaman dahil makikita mo na isa-isang nilalagay ang mga sangkap sa isang pita bread na ipinapainit sa my ihiwan. Makikita mo ang paghiwa at paglagay ng karne ng baka, isusunod na ang sibuyas na mas ng papalas ng karne, ang kamatis na mas ngpapasarap pa sa halo sa lasa ng karne, ang pipino na ngpapatamis at ang magpapakumpleto pa sa mas masarap na shawarma ay ang garlic sauce na ikinakalat sa ibabaw ng mga palaman at ito’y irorolyo pagkatapos ito’y gawin. Sa unang kagat ay mapapawi agad ang iyong katakaman at pagkagutom sapagkat nalalasahan mo na ang tamis na my halong asim na halos di mo na maipaliwanag ang lasa nito sa sobrang sarap. Sa una kong pagtikim ng shawarma ng Turk’s ako’y nasarapan at kahit hindi ako masyadong mahilig sa gulay, ang shawarma ng Turk's ang naging paborito kong putahe dahil ang mga gulay na nilalaman nito ang nagpapakumpleto ng lasa ng tunay na shawarma na pumupuno sa pangangailangan ng aking bibig.
Maraming masasarap na putahe katulad ng sinigang, adobo, kaldereta at iba pang mga putahe na may mga karne na may sauce at mga gulay. Pero para sa akin ang shawarma pa rin ang pinakamasarap na pagkain na may sauce, karne, at mga gulay. Katulad sa ibang putahe madalas may karne katulad rin shawarma, may gulay na ihinahalo para mas mapasarap pa, may sauce na inilalagay para mas makumpleto ang lasa at sa karaniwang putahe ito ang sabaw na mas nakakatakam. Sa pagbuo ng araw ko na matikman ang katas at ang kapanapanabik na lasa ng karne, ang palaman pa nito at sa pagkumpleto ng putaheng ito ang pita bread na nag-bibigay kanin sa ulam na nakapalaman rito. Minsan nararamdman ko na hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakakain ng shawarma. Shawarma ang nagbibigay ng iba’t ibang kulay na parang kuwitis na pumuputok putok habang sa kinakain ito. Sa bawat oras naiisip ko na kapag kumakain ako ng shawarma, nabibigyan ako ng panandaliang saya. Lalu na ang Turk’s Shawarma na na aking nagustuhan at babalik balikan.
|
Mango Graham Cake |
Ang mga Pilipino, mahirap man o mayaman ay laging may handa tuwing Pasko o ma pa Bagong taon man. Ang iba kahit walang perang pambili ng pagkain ay nakakagawa pa rin ng paraan upang magkaroon ng handa tuwing may okasyon. Kahit simpleng pancit at juice lang ang nakahain sa hapag- kainan, masaya pa din ang buong pamilya dahil sila’y sama- samang nagdiriwang. Para naman sa mga taong may sapat na budget para bumili ng pagkain, malimit na makikita sa kanilang hapag- kainan ang menudo, fried chicken, kaldereta, spaghetti, leche flan, salad at marami pang iba.
Sa aming pamilya, hindi nawawala ang spaghetti, fried chicken, sandwich, kare- kare, buko salad, at higit sa lahat ang mango graham cake. Sa lahat ng aming mga handa, ang graham cake ang pinakapaborito ko. Ako ang madalas na naaatasan upang gumawa nito, kaya naman kabisado ko na ang mga sangkap nito. Kung gusto mo ring gumawa nito, narito ang mga sangkap para dito: graham crackers, crushed grahams, all purpose cream, manggang hinog, at malapot na gatas. Kapag nakumpleto mo na ang mga sangkap , maaari mo nang simulan ang paggawa ng graham cake. Kapag natapos ka na sa paggawa, ilagay mo ito sa freezer ng isa hanggang dalawang araw. Kapag lumambot na ang crackers nito, maaari na itong kainin at tiyak na masisiyahan ang buong pamilya.
Bata man o matanda, siguradong magugustuhan nila ito. Kaya naman sa nalalapit na kapaskuhan, mas pasarapin at mas pasayahin ang inyong pagdiriwang. Maaari niyo rin itong ipangregalo sa inyong mga minamahal at tiyak na magugustuhan nila ito. Napakadali lang gawin nito at isa pa hindi ito mabigat sa bulsa. Makakapagrelax pa kayo habang kumakain nito. Sa tamis at sarap nito, siguradong hindi kayo makakapagpigil na ihanda ito sa tuwing may okasyon. The best talaga ang graham cake! Kaya naman gumawa na din kayo nito. Bukod sa masarap na, may instant cake ka pa!
Oh kay sarap namang mabuhay kasama ang mga taong mahal natin, at kasama rin ang mga bagay na ating hilig at kinalolokohan. Isa na rito ay ang pagkahilig natin sa iba't-ibang putahe ng ulam o pagkain mula sa iba't-ibang kultura. Napakaraming pagkakataon na may mga tao, lalo na tayong mga Pilipino ang nagkakaroon ng hilig sa mga pagkain mula sa ibang bansa lalo na ang mga pagkain sa fastfoods, gaya ng pritong manok, ispageti,french fries, burger, at pizza na mula pa sa Amerika at Italya; isa ring halimbawa ay ang kimchi, siomai, at siopao mula sa iba pang bansang asyano. Ngunit sa kabila ng mga ito, ay mayroon pa rin namang tumatangkilik sa ating sariling putahe; isa na ako sa mga iyon. Sa halos lahat ng pagkaing aking natitikman bawat araw ay katangi-tangi ang Kare-Kare para sa akin, kahit na ako'y hindi mahilig sa gulay ay iba talaga ang hatid nitong sarap, iyong para bang kapag nginunguya mo ito’y pakiramdam mo’y nasa langit ka na o iyong pakaramdam na sobrang saya kahit iyon at iyon lamang ang kakainin mo.
Kay linamnam naman ng ating malalasahan kapag naluto na ang pinaghalo-halong sangkap ng Kare-Kare. Ang mga ito ay: tuwalya ng baka na tumutulong sa paglinis ng ating bituka dahil sa fibers nito, kutsarang asin na nagbibigay ng iodine, puso ng saging na bukod sa nagbibigay potassium, ito rin ay makatutulong para sa mahimbing na pagtulog, kasama rin ang talong at sitaw na nagbibigay ng iba't-ibang sustansya para sa malakas na katawan at pampahaba ng buhay, ang peanut butter at Kare-Kare mix na nagsisilbing sabaw nito na nakapagbibigay enerhiya dulot ng fats mula rito, at ang pinaka importateng pampalasa at pampasarap na bagoong alamang. Ang ganitong putahe ay mabibili sa iba't-ibang kainan at mga Carinderia kaya madali natin itong makakain sa oras man na gustuhin natin; pero para sa akin ay walang katulad at walang magiging kasing-sarap ang Kare-Kareng inihahain ng aking tiyahin sa aming tahanan. Dahil nalalasahan ko ang sarap at linanam ng malapot na sabaw at karne na may kasabay na bagoong alamang, ang mahusay na pagkakaluto sa mga gulay, pagkatimpla sa sabaw, at masarap na bagoong ay talaga namang kay linamnam at kalasapsap sa pakiramdam.
Kay saya ng nararamdaman ko sa tuwing ako'y kumakain nito; kung minsan nga ay natatakam na agad ako kahit makakita pa lang nito. Habang kumakain naman ako nito ay para bang nasa langit ako, kulang na lang ay ipikit ko ang aking mga mata at damahin ang lasap na aking natitikman habang nginunguya ang karne nito; pero hindi ko iyon nagagawa dahil kadalasang may kasabay akong kumain at baka kasi makita ako ng ibang tao at akalain pa nilang nababaliw ako; pero kung talagang masarap naman kasi edi baka hindi ko tlga mapigilan ang sarili ko. Kahit na mabigat ito sa tiyan, kung minsan ay hindi ko namamalayan kung nakaka-ilang sandok na ako ng kanin at ulam. Talagang nakapagbibigay kasiyahan sa akin ang Kare-Kare; at para naman sa iba na may iba't-ibang hilig rin ay alam kong kumpleto na agad ang araw nila, matikman lamang ang kanilang paboritong pagkain. Kani-kanyang hilig naman iyan eh, kung ano ang nagpapasya sa atin ay dapat nating bigyan importansya upang maging makabuluhan at mas masaya ang ating buhay.
Sa hirap ng buhay ngayon, marami sa atin ang naghahanap ng isang pagkaing magdudulot sa atin ng kasiyahan sa abot kayang halaga. Ang temperatura dito sa ating bansa ay pabago- bago dulot na rin ng di- tiyak na klimang sanhi ng "climate change". Ngunit kadalasan ay sobrang init talaga lalo na tuwing tanghali. Huwag nang mag-alala sapagkat ang mga mamamayan ng TONDO, MANILA ay may sagot na sa iyong problema! Ang SWIRLY BITZ!
Ang pangalang swirly bitz ay hango sa "swirly bitz ice cream" ng Jollibee fastfood. Ito ang ginamit na pangalan sapagkat pareho ng flavor ( cookies and cream) ang dalawang panghimagas na ito. Ang swirly bitz ay isang shake na gawa sa keso, gatas na malabnaw, chocolate cookies with vanilla fillings, asukal, tubig, at syempre yelo. Mas masarap ito kung may kasamang itim na sago. Mabibili ito sa Varona St. corner Trinidad, Velasquez, Tondo, Manila. Dahil karamihan sa mga kasangkapan nito ay dairy products, mayaman ito sa calcium pangpatibay ng buto at glucose na galing sa asukal na nagpapalakas o nagbibigay enerhiya sa katawan. Ang huli ay ang yelo na nagbabalanse ng temperatura ng katawan kapag mainit ang panahon. Ang lahat ng ito ay iyong mararanasan sa halagang 15 piso lamang at 18 piso kapag may kasamang sago.
Noong nakaraang taon ko lang ito natuklasan at labis akong natuwa sa panghimagas na ito, madalas ko itong bilhin tuwing gabi dahil kadalasan ay gabi na ako umuuwi galing eskwelahan. Nairekomenda ko na rin ito sa mga kapatid ko at maging sila ay tinatangkilik ito.Ang swirly bitz ay tiyak na palalamigin ang naiinitang katawan ng mga pinoy at mas patatamasin ang iyong buhay. Ano pang hinihintay mo? Tara at bumili na ng COOKIESulit! COOKIESarap! SWIRLY BITZ!